PCG, AFP nagsagawa ng resupply mission para sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal

PCG, AFP nagsagawa ng resupply mission para sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal

Nakibahagi ang dalawang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa resupply mission ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa BRP Sierra Madre (LS-57) sa Ayungin Shoal.

Siniguro ng BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) at BRP Malapascua (MRRV-4403) na magiging ligtas ang paglalayag ng “MV UNAIZA MAE 2” na may dalang mga pagkain, gamot, damit, maintenance at repair equipment, at iba pang pangangailangan ng mga sundalong naka-deploy sa BRP Sierra Madre (LS-57).

Nagsagawa rin ng maritime patrol at reprovisioning mission ang BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) sa Patag Island, Likaw Island, Lawak Island, at Pag-asa Island na binabantayan ng PCG Station Kalayaan sa Kalayaan, Palawan.

Bahagi nito ang mga school supplies para sa mga kaataan sa Pag-asa Island bilang paghahanda sa nalalapit na pagsisimula ng klase.

Kasunod nito ay Bumiyahe naman papuntang Puerto Princesa, Palawan ang BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) para maghatid ng relief packs, kahung-kahong gamot, hospital beds, medical equipment, at iba pang pangangailangan mula sa gobyerno.

Samantala, nakatanggap rin ng karagdagang supplies ang PCG District Palawan, PCG K9 unit sa Palawan, at ang 3rd Marine Brigade. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *