SC pinagtibay ang pagsibak sa dating tauhan ng DFA na covicted sa kasong bigamy

SC pinagtibay ang pagsibak sa dating tauhan ng DFA na covicted sa kasong bigamy

Pinagtibay ng Korte Suprema ang pagtanggal sa tungkulin sa isang dating tauhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na na-convict sa kasong bigamy.

Unang naghain ng Petition for Review on Certiorari ang hindi pinangalanang petitioner sa SC at kinuwestiyon ang desisyon na inilabas ng Court of Appeals na pumapabor sa utos ng Civil Service Commssion noong Setyembre 2015 na maalis sya sa tungkulin nang mapatunayan siyang guilty sa krimen sangkot ang Moral Turpitude.

Ang petitioner ay dating nakatalaga sa Passport Division ng DFA.

Inireklamo siya sa CSC noong Setyembre 2022 matapos umanong magpakasal sa isang lalaki na kasal na sa iba.

Ang DFA personnel at ang lalaking pinakasalan niya ay kapwa na-convict sa kasong bigamy.

Ayon sa petitioner, pinakasalan niya ang lalaki matapos siyang mabuntis at hindi umano niya alam na ito ay kasal na sa iba.

Pero ayon sa Korte Suprema, walang merito ang petisyon dahil malinaw sa CSC Resolution No. 991936, o ang “Uniform Rules on Administrative Cases in the Civil Service (URACCS)”, na kapag convicted sa kasong administratibo sangkot ang usapin hinggil sa Moral Turpitude ay dapat ma-dismis sa serbisyo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *