DPWH kaisa sa Oplan Balik Eskwela ng DepEd
Nakikipag-ugnayan na ang lahat ng Regional and at Engineering Offices ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga nasasakupan nilang public elementary at high schools sa buong bansa para suportahan ang Oplan Balik Eskwela (OBE) ng Department of Education (DepEd).
Inatasan ni DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, ang mlahat ng ROs at DEOs na magpatupad ng maintenance activities at mga programa sa mga public schools bago ang pagbubukas ng klase ngayng taon.
Taun-taun ang DPWH ay katuwang sa pagsasagawa ng maintenance works sa mga pampublikong paaralan sa ilalim ng Oplan Balik Eskwela.
Kabilang sa isinasagawa ng DPWH ay ang pagpipintura sa pedestrian lanes sa mga paaralan, declogging ng drainage, paglilinis ng manholes malapit sa mga paaralna, pag-repair ng mga sirang upuan, classroom ceilings, washrooms, at entrance gates. (DDC)