LPA magpapaulan sa Bicol Region at iba pang lalawigan sa Luzon

LPA magpapaulan sa Bicol Region at iba pang lalawigan sa Luzon

Ang Low Pressure Area (LPA) na namaaan ng PAGASA sa bahagi ng Quezon ang nagpapaulan ngayon sa malaking bahagi ng Luzon.

Ayon sa PAGASA, alas 10:00 ng umaga ng Biyernes (Aug. 5) ang LPA ay namataan sa coastal waters ng Mauban, Quezon.

Sinabi ng PAGASA na maliit ang tsansa na mabuo bilang ganap na bagyo an nasabing LPA sa susunod na 24 oras.

Ngayong araw hanggang bukas, ang LPA ay magdudulot ng katamtaman hanggang sa malakas at kung minsan ay matinding buhos ng ulan sa Bicol Region at sa lalawigan ng Aurora, Quezon, Marinduque, Romblon, at Mindoro.

Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila, Visayas, Palawan, at sa nalalabing bahagi ng Central Luzon, at CALABARZON. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *