6.4 percent inflation rate naitala noong Hulyo
Bumilis ang pagtaas ng presyo ng produkto at serbisyo noong nagdaang buwan ng Hulyo.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala ng 6.4 percent inflation rate noong nakaraang buwan, mas mataas kumpara sa 6.1 percent noong Hunyo.
Ito na ang pinakamataas na inflation na naitala sa nakalipas na mahigit tatlong taon, o mula noong October 2018 kung saan naitala ang 6.9 percent inflation rate.
Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, ang presyo ng pagkain at transport ang pangunahing naging dahilan ng pagtaas ng inflation.
May pagtaas din sa serbisyo sa mga restraurants at accommodations. (DDC)