Naitalang kaso ng dengue sa Western Visayas tumaas ng 513 percent

Naitalang kaso ng dengue sa Western Visayas tumaas ng 513 percent

Nakapagtala ng 513 percent na pagtaas sa kaso ng dengue sa Western Visayas.

Sa datos ng Western Visayas Center for Health Development, nakapagtala ng dagdag na 704 na bagong kaso ng dengue sa rehiyon.

Dahil dito, umabot na sa 7,825 ang total cases ng dengue sa Western Visayas mula Jan. 1 hanggang July 23, 2022.

Mas mataas ito ng 513 percent kumpara sa 1,277 cases na naitala sa kaparehong petsa noong 2021.

Ayon sa DOH Western Visayas, 46 na ang kabuuang bilang ng naitalang nasawi sa dengue sa rehiyon dahil sa nasabing sakit.

Sa Negros Occidental nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng dengue na umabot sa 221 kasunod ang Iloilo Province na may 159 cases. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *