Coverage para sa hemodialysis sessions pinalawig pa ng PhilHealth
Mula sa 90 sessions ay itinaas na sa 144 sessions ng hemodialysis ang ico-cover ng PhilHealth.
Ayon sa Department of Health (DOH) ito ay effective immediately at nakasaad sa PhilHealth Circular No. 2022-0017.
Dahil dito ang mga PhilHealth members at kanilang dependents na mayroong Chronic Kidney Disease (CKD) Stage 5 ay maaari nang maka-avail ng maximum na 144 hemodialysis sessions hanggang December 31, 2022.
Kailangan lamang na mayroong prescription mula sa kanilang doktor.
Ang pang-91 hanggang sa ika-144 sessions ay kailangan ding outpatient dialysis lamang.
Ang mga sesyon na hindi magagamit ngayong taon ay hindi na maca-carry over sa susunod na taon.
Ang mga pasyente naman na nakagamit na ng kanilang 91st to 144th dialysis sessions bago naging epektibo ang kautusan ay maaari pang mag-file ng claims sa PhilHealth Regional/Branch Office o sa Local Health Insurance Offices.
Nagpasalamat naman si DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Singh-Vergeire, sa PhilHealth sa pag-expand nito ng benepisyo para sa mga dialysis patient. (DDC)