LPA binabantayan ng PAGASA sa Guiuan, Eastern Samar
Binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area sa bahagi ng Eastern Samar,
Ang LPA ay huling namataan sa layong 180 kilometers East ng bayan ng Guiuan.
Sa weather forecast ng PAGASA, ang LPA at Habagat ay magdudulot ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas, Bicol Region, at Zamboanga Peninsula.
Makararanas naman ng bahagyang maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa dahil sa Habagat at localized thunderstorms. (DDC)