Milk Letting Activity idaraos sa QC bilang pagdiriwang sa National Breastfeeding Awareness Month

Milk Letting Activity idaraos sa QC bilang pagdiriwang sa National Breastfeeding Awareness Month

Nanawagan ang Quezon City local government sa mga breastfeeding moms na makilahok sa idaraos na Milk Letting Activity.

Bahagi ito ng pagdiriwang ng National Breastfeeding Awareness Month ngayong Agosto.

Ayon sa abiso ng QC LGU, ang Milk Letting Activity ay layong matulungan ang mga nangangailangan ng breast milk.

Ang mga aktibidad ay isasagawa sa iba’t ibang lying-in clinic, health center at district hospital sa lungsod simula ngayong August 3 hanggang sa August 31.

Una nang nanawagan ang Department of Health (DOH) na isulong at suportahan ang pagsasagawa ng eksklusibong pagpapasuso ng mga sanggol mula sa kapanganakan hanggang 6 na buwan, at ipagpatuloy ito ng may komplementaryong pagpapakain lampas sa 2 taong gulang. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *