Bilang ng mga mag-aaral na nakapagpatala para sa SY 2022-2023 umabot na sa mahigit 14.2 million

Bilang ng mga mag-aaral na nakapagpatala para sa SY 2022-2023 umabot na sa mahigit 14.2 million

Sa huling datos mula sa Learning Information System (LIS) ng Department of Education (DepEd) umakyat na sa 14,284,778 ang bilang ng mga nagparehistro na mga mag-aaral.

Ang nasabing bilang ay mula noong July 25 hanggang umaga ng Miyerkules (Aug. 3).

Sa nasabing bilang, mahigit 6.6 million ay pawang elementary students, mahigit 4.6 million ang junior high school students, mahigit 2.1 million ang senior high school students at mahigit 946,000 naman ang kindergarten.

Pinakamarami na ang nakapagpatala sa Region IV-A na umabot sa mahigit 2.1 million, na sinusundan ng NCR na mayroong mahigit 1.7 million enrollees.

Magpapatuloy ang enrollment hanggang sa Agosto 22, 2022.

Paalala ng DepEd, ipinatutupad pa rin ang tatlong pamamaraan sa pagpapatala – ang in-person, remote, at dropbox enrollment. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *