Isolation ni U.S. Pres. Joe Biden magpapatuloy dahil positibo pa rin sa COVID-19 test

Isolation ni U.S. Pres. Joe Biden magpapatuloy dahil positibo pa rin sa COVID-19 test

Magpapatuloy ang isolation ni US President Joe Biden dahil nagpositibo pa din ito sa COVID-19.

Noong July 21, nagpositibo sa COVID-19 si Biden pero natapos na ang isolation nito noong nakaraang Miyerkules (July 27).

Pero ayon kay Dr. Kevin O’ Connor nang isailalim sa test si Biden noong Sabado ay positoibo pa rin ang resulta.

Maayos aniya ang kondisyon ng pangulo at nakararanas lamang ng loose cough.

Maari aniyang “rebound case” ang nangyari kay Biden na nararanasan ng mababang bilang ng mga pasyenteng umiinom ng antiviral drug na Paxlovid.

Sa pahayag ng White House, mabuti ang pakiramdam ni Biden at nais nang makabalik agad sa kaniyang normal na trabaho sa araw-araw. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *