Halaga ng pinsala ng lindol sa mga paaralan, umabot sa P1.7B
Umabot na sa P1.706 billion ang halaga ng pinsala sa mga paaralan ng tumamang magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon.
Ayon sa Department of Education (DepE), kakailanganin ng pondo ng kagawaran para makumpuni at muling maitayo ng mga silid-aralan at iba pang imprastrukturang napinsala ng lindol.
Sa datos mula sa DepEd, umabot sa 276 na paaralan ang napinsala kung saan may 743 silid-aralan ang bahagyang napinsala, habang 534 na silid-aralan ang matinding napinsala ng pagyanig.
Naitala sa Cordillera Administrative Region (CAR) ang pinakamataas na bilang ng mga apektadong paaralan na may 264, kasunod ang Rehiyon I (Ilocos Region) na may 142, at Region II (Cagayan Valley) na may 49 na apektadong paaralan.
Samantala, ayon sa DepEd mayroong 23 paaralan pa ang kasalukuyang ginagamit bilang Evacuation Centers sa mga apektadong lugar. (DDC)