PCG nasa heightened alert status para sa pagpapatupad ng Oplan Balik Eskwela 2022

PCG nasa heightened alert status para sa pagpapatupad ng Oplan Balik Eskwela 2022

Isinailalim sa heightened alert status ang Philippine Coast Guard (PCG) bilang paghahanda sa Oplan Balik Eskwela 2022 na ipatutupad mula Aug. 15 hanggang Aug. 29.

Sa direktiba ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, PCG Commandant, CG Admiral Artemio M. Abu, inatasan ang PCG, Philippine Ports Authority (PPA) at Cebu Ports Authority (CPA) na magpatupad ng 24/7 operations ng Malasakit Help Desks (MHDs) sa mga pangunahing pantalan, harbors, at iba pang maritime transport facilities.

Ito ay dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong bibiyahe dahil sa nalalapit na pagsisimula ng klase.

Ang mga MHD ay dapat mayroong medical team na handang maglaan ng first aid at iba pang kailangan ng mga pasahero.

“Our Coast Guard Districts will also deploy additional K9 teams and security personnel to intensify vessel safety checks and pre-departure inspections to ensure convenient, safe, and secure sea transport services. They are also in charge of reminding vessel crew and passengers on their compliance with minimum public health standards amid the ongoing pandemic,” ayon kay CG Admiral Abu

Tiniyak din ni Abu ang pagsasagawa ng 24/7 maritime patrol operations para mapigilan ang mga “colorum” o undocumented watercraft na makapaglayag. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *