Las Piñas 2nd Most compliant ng 4Ps Program – DSWD-NCR

Las Piñas 2nd Most compliant ng 4Ps Program – DSWD-NCR

Kinilala ng Department of Social Welfare and Development-National Capital Region (DSWD-NCR) ang pamahalaang lungsod ng Las Piñas bilang ikalawa sa lahat ng lungsod ng Metro Manila na maayos na pagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Dahil dito, pinasalamatan ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar ang DSWD-NCR.

Ayon kay Mayor Aguilar nakuha nila ang rank. 2 dahil na rin sa sipag at walang humpay na pagtatrabaho ng mga kawani ng City Social Welfare and Development Office, CityLinks at Social Welfare assistants upang mag bigay ng magandang serbisyo sa mga residente ng lungsod na kabilang sa 4Ps category.

Kasama rin anya ang City Health Office, Department of Education (DepEd) at Local Development Council sa pagpapatupad ng mga programa ng 4Ps.

Ang Las Piñas City government ay nakakuha ng 98.4 percent compliance sa health, education, deworming categories, at family development sessions, ayon kay Aguilar.

Giit niya na ang pagpatupad ng mga programa ng 4Ps ay bahagi rin ng kanyang administrasyon na “Tuloy ang Tapat at Progresibong Serbisyo”.

Dagdag pa niya na ang city government ay nag ranked 2nd matapos gawin ang Local Advisory Council meeting ang DSWD-NCR.

Batay sa ulat ng lokal na pamahalaan ng nasabing lungsod, nasa rank 13 lang ang lungsod sa lahat ng local government ng NCR sa pagpapatupad ng 4Ps nitong nakaraang mga taon. (Noel Talacay)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *