Naitalang kaso ng dengue sa bansa mula noong Enero umabot na sa mahigit 82,000

Naitalang kaso ng dengue sa bansa mula noong Enero umabot na sa mahigit 82,000

Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng mahigit 82,000 na kaso ng dengue sa bansa simula noong buwan ng Enero.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, simula noong January 1 hanggang July 16 ay nakapagtala na ng 82,597 dengue cases sa bansa.

Mas mataas ito ng 106 percent kumpara sa kaparehong petsa noong nakaraang taon.

Sa nakalipas na halos isang buwan o mula June 19 hanggang July 16 ay nakapagtala ng 20,261 na bagong kaso ng sakit.

Tatlong rehiyon sa bansa ang nakapagtala ng may pinakamataas na kaso ng dengue kabilang ang Region III, Region II at Metro Manila.

Sa buong bansa, nakapagtala na ng 319 na nasawi dahil sa dengue.

Ayon sa DOH, inabisuhan na ang mga lokal na pamahalaan para magsagawa ng 4S strategy.
Tiniyak din ng DOH na ang mga ospital ay handang tumanggap ng dengue patients at mayroong fast lanes para sa emergency cases ng dengue. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *