Bilang ng mga mag-aaral na nakapagpatala para sa SY 2022-2023 umabot na sa mahigit 13.1 million
Sa huling datos mula sa Learning Information System (LIS) ng Department of Education (DepEd) umakyat na sa 13,152,065 ang bilang ng mga nagparehistro na mga mag-aaral.
Ang nasabing bilang ay mula noong July 25 hanggang umaga ng Martes (Aug. 2).
Sa nasabing bilang, mahigit 6.1 million ay pawang elementary students, mahigit 4.2 million ang junior high school students, mahigit 1.9 million ang senior high school students at mahigit 870,000 naman ang kindergarten.
Pinakamarami na ang nakapagpatala sa Region IV-A na umabot sa mahigit 1.9 million, na sinusundan ng NCR na mayroong mahigit 1.6 million enrollees.
Magpapatuloy ang enrollment hanggang sa Agosto 22, 2022.
Paalala ng DepEd, mayroong tatlong pamamaraan sa pagpapatala – ang in-person, remote, at dropbox enrollment. (DDC)