Healthcare utilization rates sa NCR at iba pang lugar sa bansa, tumaas
Tumaas ang Healthcare utilization rates (HCUR) sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng bansa.
Ayon sa datos ng OCTA Research mula sa 31.7 percent noong July 24 ay tumaas sa 36.5% ang HCUR sa NCR noong July 31.
Ang ICU occupancy naman ay bumaba mula sa 27.3% patungo sa 26.9%.
Kapwa lagpas naman sa 50 percent ang HCUR sa Bohol (59.5%) at Iloilo (56.1%).
Sa Capiz, nasa 71.4% na ang ICU occupancy. (DDC)