Bilang ng aftershocks na naitala sa Abra umabot na sa 2,286
Umakyat na sa 2,286 ang naitalang aftershocks ng Phivolcs matapos ang magnitude 7.0 na lindol na tumama sa Abra.
Ayon sa datos ng Phivolcs, ang nasabing bilang ay hanggang alas 9:00 ng umaga ngayong Martes (Aug. 2).
Kahapon ng madaling araw nakapagtala ng magnitude 5.1 na aftershock sa Abra.
Una nang sinabi ng Phivolcs na maaaring umabot ng buwan ang mga mararanasang aftershocks. (DDC)