DFA Sec. Enrique Manalo hindi makadadalo sa ASEAN Foreign Ministers’ Meeting makaraang magpositibo sa COVID-19
Hindi makadadalo sa 55th ASEAN Foreign Ministers’ Meeting (AMM) sa Phnom Penh, Cambodia si Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo.
Ayon kay Manalo nagpositibo kasi siya sa COVID-19 nitong weekend.
Ito sana ang kaniyang unang ASEAN engagement bilang kalihim ng DFA.
Sinabi ni Manalo na kakatawanin siya sa AMM ni DFA Undersecretary for Bilateral Relations and ASEAN Affairs, Ma. Theresa P. Lazaro.
Ipinaabot na din niya kay Cambodian Deputy Prime Minister at Foreign Minister PRAK Sokhonn na hindi siya makadadalo.
Si Sokhonn ang chairman ng AMM ngayong taon.
Sinabi ni Manalo na magpapagaling muna siya upang agad siyang makabalik sa kanyang mga trabaho sa DFA. (DDC)