State of emergency idineklara sa New York dahil sa kaso ng monkeypox
Nagdeklara si New York Governor Kathy Hochul ng state of emergency dahil sa patuloy na pagkalat ng kaso ng monkeypox.
Sinabi ni Hochul na ito ay para mas mapalakas pa ang pagtugon ng gobyerno sa outbreak ng sakit.
Ayon sa New York Department of Health, mayroong 1,383 na kumpirmadong kaso ng monkeypox sa New York.
Noong Biyernes, nakapagtala na ng pasyenteng nasawi dahil sa monkeypox sa Brazil at Spain.
Ito ang naging unang monkeypox-related deaths sa labas ng Africa. (DDC)