P7.4M inilaan ng DPWH para sa rehabilitasyon ng San Juanico Bridge

P7.4M inilaan ng DPWH para sa rehabilitasyon ng San Juanico Bridge

Naglaan ang pamahalaan ng 87.4 million pesos para sa isa pang phase ng major rehabilitation ng 50-taong gulang na San Juanico Bridge.

Sinabi ni DPWH Eastern Visayas Regional Director Allan Borromeo, ito na ang ikalawang taon na magsasagawa ang pamahalaan ng major repair sa tulay sa bahagi ng Leyte at Samar islands.

Popondohan ng alokasyon ngayong taon ang structural steel at pagpipintura sa 508.38-square meter portion ng tulay at ang pagsisikip ng mahigit 35 tons ng high-tension bolts.

Ang proyekto na nagsimula noong nakaraang Marso ay inaasahang maku-kompleto bago matapos ang 2022. (Ricky A. Brozas)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *