“80 percent ng mga senior citizen sa bansa walang pensyon ayon sa BSP” – iFINANCIALS by SE-ITpreneur

“80 percent ng mga senior citizen sa bansa walang pensyon ayon sa BSP” – iFINANCIALS by SE-ITpreneur

Malaking bilang ng mga senior citizen sa bansa ang walang pensyon o walang retirement fund ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno.

Base sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA) , mayroong 7.6 million na populasyon sa bansa na edad 60 pataas.

At sa nasabing bilang, 20 percent lang ang may pensyon na natatanggap mula sa Social Security System (SSS) o mula sa Government Service Insurance System (GSIS).

Ang pensyon na kanilang natatanggap ay nasa average ng P5,123 kung sa SSS at P18,525 kung sa GSIS. Bagaman, may natatanggap na pensyon ang 20 percent ng eldery population sa bansa, maliit pa rin ito at halos panggastos lang pambili ng pagkain at gamot.

Kung ako ay aabot sa edad na 60 o retirement age, siyempre gusto ko kasama ako sa 20% na mayroong pensyon o retirement fund.

Pero ayaw ko ng SSS lang o GSIS lang dahil sa panahon ngayon at malamang pagsapit ng panahon na edad 60 na ako, mas mahal na nag bilihin.

Gusto ko pag tanda ko pera ko na ang nagtratrabaho para sa kin. Ikaw anong gusto mo?

Habang maaga pa at may sapat na panahon ka pa para pag-ipunan ang iyong pagtanda bakit hindi mo subukang pag-aralan ang stocks, mutual funds at iba pang uri ng legal na investments?

Para sa mga katanungan at impormasyon, maaring mag-send ng e-mail sa i.financialsmarketing@gmail.com (END)

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *