13 Pinoy nakauwi na ng bansa galing Sri Lanka
Nakauwi na sa bansa ang unang batch ng mga distressed Filipinos galing ng Sri Lanka.
Ang labingtatlong Pinoy ay binubuo ng 6 na babae, 2 lalaki, at 5 menor de edad.
Bahagi sila ng 114 na Pinoy na nauna nang nagpahayag ng kagustuhang makauwi sa bansa dahil sa nararanasang economic crisis sa Sri Lanka.
Sinagot ng DFA ang pamasahe ng mga umuwing Pinoy.
Patuloy ang pag-monitor ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs, Philippine Embassy sa Bangladesh at Philippine Honorary Consulate General sa Colombo sa sitwasyon sa Sri Lanka.
“The DFA continues to assist all distressed Filipinos overseas, including undocumented contract workers. We are coordinating with the Department of Migrant Workers (DMW) and other concerned agencies during this transition period, as the DMW sets up its Migrant Workers Offices abroad,” ayon kay Foreign Affairs Acting Undersecretary Eduardo Jose A. de Vega. (DDC)