Lagpas 30 percent ng positivity rate ng COVID-19 naitala sa ilang lugar sa bansa

Lagpas 30 percent ng positivity rate ng COVID-19 naitala sa ilang lugar sa bansa

Patuloy ang naitatalang pagtaas ng positivity rate ng COVID-19 sa ilang lugar sa bansa.

Ayon sa datos mula sa OCTA Research, sa Isabela 36.3 percent ang naitalang positivity rate na mas mataas kumpara sa 25.7 percent noong July 23.

30.9 percent naman ang positivity rate sa Laguna at 31.6 percent sa Tarlac.

Maliban sa nasabing mga lugar, sinabi ng OCTA Research na “very high” ang positivity rate sa Albay, Cagayan, Camarines Sur, Cavite, La Union, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Pangasinan, Quezon, Rizal, at Zambales.

Sa National Capital Region, bahagya lamang ang naitalang pagtaas sa positivity rate mula 14.2 percent noong July 23 patungong 15 percent noong July 29. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *