Pito arestado sa illegal quarrying sa Montalban, Rizal
Arestado ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Environmental Crime Division (NBI-EnCD) ang pitong katao sa ikinasang entrapment operation sa Brgy. Mascap, Rodriguez, Rizal.
Kinilala ng NBI ang mga nadakip na sina ALEXANDER BANDO, ROCHELO AUSTRAL, RAUL NAVARRO, ALBER EPANTO, KENNETH CORNELIA, BERNY DEL ROSARIO, at MENARDO MALIGAYA.
Ikinasa ang operasyon matapos makatanggap ng reklamo ang NBI sa malawakang operasyon ng illegal mining/quarrying Barangay Mascap.
Sa isinagawang imbestigasyon, natuklasan na ang operasyon ay walang permit from the Provincial Mining Regulatory Board (PMRB) mula sa pamahalaang panlalawigan ng Rizal at sa Department of Environment and Natural Resources – Mines and Geosciences Bureau Region IV-A (DENR-MGB Region IV-A).
Ayon sa DENR-MGB Region IV-A, ang ang Amiterra Aggregates Corporation (Amiterra) ay hindi kasama sa updated list ng Quarry Permit Holders at Transport and Hauling Permit Holders sa Rizal.
Ang mga naarestong indibidwal ay isinailalim na sa inquest proceeding sa reklamong paglabag sa Section 103 ng Republic Act No. 7942, o “Philippine Mining Act of 1995.” (DDC)