Bagyong Ester at Habagat magpapaulan sa Southern Luzon at sa ilang bahagi ng Visayas sa susunod na 24 na oras
Makararanas ng pag-ulan sa Southern Luzon at sa ilang bahagi ng Visayas sa susunod na 24 na oras dahil sa pinagsamang epekto ng tropical depression Ester at Habagat.
Sa 5PM weather bulletin ng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa layong 840 kilometers East ng Extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong West Northwest sa bilis na 15 kilometers per hour.
Ayon sa PAGASA bukas ng tanghali ay lalabas din agad ng bansa ang bagyo. (DDC)