Pakikipag-usap ng DOH sa US government para sa bakuna kontra monkeypox nagpapatuloy
Nakikipag-ugnayan na ang Department of Health (DOH) sa Estados Unidos para maka-secure ng baluna laban sa monkeypox.
Sinabi ito ni DOH Spokesperson Undersecretary Beverly Ho matapos makapagtala ng unang kaso ng monkeypox sa bansa.
Ayon kay Ho, hindi madami ang suplay ng bakuna kontra monkeypox kaya piling population group lamang ang babakunahan nito.
Hindi aniya ito kagaya ng COVID-19 na target mabakunahan ang lahat ng eligible population.
Noong nakaraang buwan ng Hunyo sinabi ng US na magpapalabas na sila ng 56,000 doses ng monkeypox vaccine.
Sa rekomendasyon ng US Centers for Disease Control and Prevention, ang bakuna ay dapat lamang ibigay sa mga kumpirmadong nalantad sa positibong kaso. (DDC)