FDA nagbabala sa publiko sa ibinebentang “virginity soap” online
Nagbabala sa publiko ang Food and Drug Administration (FDA) sa pagbili ng isang brand ng “virginity soap” na ibinebenta online.
Ayon sa FDA, ang ang produkto na gawa ng GSkin ay walang balidong Certificate of Product Notification (CPN) mula sa FDA.
Ibig sabihin, walang otorisasyon mula sa FDA para sa pag-manufacture, importation, exportation, sale, offering for sale, distribution, transfer, non-consumer use, promotion, advertising, o sponsorship ng nasabing produkto.
Sinabi din ng FDA na dahil hindi dumaan sa notification process ng ahensya ang nasabing produkto ay hindi magagarantiyahan ang kalidad at kaligtasan nito.
Maari umanong mayroon itong hindi magandang epekto sa kalusugan.
Dahil dito pinayuhan ng FDA ang publiko na huwag tangkilikin ang nasabing produkto. (DDC)