923 pang kaso ng Omicron subvariants naitala sa bansa
Nakapagtala ng 923 pang kaso ng Omicron subvariants batay sa resulta ng pinakahuling genome sequencing.
Ayon sa Department of Health (DOH) sa 923 na Omicron subvariants cases, 890 ay pawang BA.5 cases.
Ang 890 BA.5 cases ay naitala sa sumusunodna mga rehiyon:
National Capital Region – 232
Western Visayas – 252
Calabarzon – 136
Cordillera Administrative Region – 63
Cagayan Valley – 59
Central Luzon – 46
Mimaropa – 37
Ilocos Region – 29
Bicol Region – 13
Central Visayas – 5
Zamboanga Peninsula – 5
Eastern Visayas – 1
Northern Mindanao -1
Davao Region – 1
Caraga – 1
returning Filipinos – 9
Sa 890 BA.5 cases, 823 ang gumaling na, 31 ang naka-isolate pa habang inaalam pa ang kondisyon ng 36 pa.
Ayon sa DOH, umabot na sa 1,997 ang kabuuang bilang ng BA.5 cases na naitala sa bansa.
Samantala, nakapagtala din ng 18 bagong kaso ng BA.4 na mula sa Metro Manila (7), Bicol Region (6), CAR (2), Ilocos (1), Cagayan Valley (1), Calabarzon (1).
Mayroon ding 15 pang bagong kaso ng BA.2.12.1 na mula sa Metro Manila (5), CAR (4), Calabarzon (3), Mimaropa (1) at Ilocos (1). (DDC)