35 paaralan napinsala ng tumamang magnitude 7.0 na lindol sa Abra
Umabot sa 35 eskwelahan sa 15 school division offices mula Luzon ang nagtamo ng pinsala sa matapos ang magnitude 7.0 na lindol sa Abra at kalapit na mga lalawigan.
Ayon sa paunang Rapid Assessment of Damages Report (RADaR) ng Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) ng ahensya, mayroong 11 paaralan mula sa Rehiyon III (Gitnang Luzon), 9 mula sa Rehiyon II (Cagayan Valley), 8 paaralan mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), at 7 paaralan mula sa Rehiyon I (Rehiyon ng Ilocos) ang napinsala ng lindol.
Ayon sa DepEd, tinatayang aabot sa P228.5 million ang halaga na kakailanganin para sa muling pagtatayo at rehabilitasyon ng mga nasirang paaralan.
Bukod dito, may humigit-kumulang na 8,027 ang apektadong paaralan o mga paaralan sa mga lugar na naiulat na nakapagtala ng instrumental intensity sa Earthquake Information ng PHILVOCS.
Dumalo ang DepEd sa isinagawang 1st Response Cluster Meeting at sumali sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Virtual Emergency Operations Center para mas masuri ang sitwasyon ng mga apektadong rehiyon dahil sa lindol. (DDC)