BFP nagdagdag ng mga tauhan sa mga lugar na tinamaan ng lindol sa Northern Luzon
Nagdagdag pa ng mga tauhan ang Bureau of Fire Protection (BFP) na tutulong sa operasyon sa mga lugar na naapektuhan ng magnitude 7.0 na lindol sa Northern Luzon.
Inatasan ang mga tauhan ng BFP na tumulong sa lahat ng aspeto ng safety at health response.
Kabilang dito ang pagtitiyak ng kaligtasan at injury prevention; pag-dokumento sa lahat ng injuries at illnesses; pagtitiyak ng paggamit ng personal protective equipment (PPE) kung kinakailangan; pagbuo ng daily health and safety plans na tutugon sa sanitation, hygiene, PPE, at decontamination.
Simula kahapon ay patuloy ang mga tauhan ng BFP sa pagsasagawa ng recovery at clearing operations sa mga lugar na naapektuhan ng lindol. (DDC)