Limot-limot na nga ba?
Marami ang nadismaya nang hindi mabanggit sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang usapin hinggil sa overpriced na COVID-19 supplies na pinasok ng pamahalaan.
Bagaman naglatag ng kaniyang health agenda ang pangulo, marami ang nag-aabang na mapapasama sa sasabihin sa SONA ang acccountability ng Pharmally na inimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee noon 18th Congress.
Sa nasabing imbestigasyon lumitaw na overpriced ang kontrata sa pagsu-suplay ng face mask at iba pang medical supplies para sa COVID-19 response ng Department of Health (DOH).
Kaugnay nito ay may mga panawagan din sa pangulo na imbestigahan ang isa pang umpanya sa Cebu City na nag-suplay ng face mask sa lungsod.
Nabatid na P12.5 million na halaga ng kontrata ang pinasok ng Cebu City Government sa United JT Traders para sa pagsu-suplay ng face mask na P25 ang bawat isa.
Ang transaksyon ay naganap sa panahong hindi na magkanda-kumahog ang pamahalaang pagkasyahin ang pondo sa napakaraming pangangailangan sa gitna ng hagupit ng pandemya.
Ang United JT Traders ay pagmamay-ari ng dating mataas na opisyal ng Cebu City Chamber of Commerce.
Apela ng marami kay Pangulong Marocs, tiyaking mapapanagot ang mga negosyanteng nanamantala noong kasagsagan ng pandemya ng COVID-19.