DSWD Sec. Erwin Tulfo agad pinuntahan ang mga lugar sa Abra at Vigan na nasalanta ng lindol

DSWD Sec. Erwin Tulfo agad pinuntahan ang mga lugar sa Abra at Vigan na nasalanta ng lindol

Nagtungo sa Bangued, Abra at sa Vigan, Ilocos Sur si Social Welfare Sec. Erwin Tulfo matapos ang malakas na pagyanig sa Abra.

Nakipagpulong si Tulfo sa mga lokal na opisyal ng Abra at iniutos ang pagpapalabas ng inisyal na P10 milyon na pondo para samga naapektuhan ng lindol.

Nakapagpadala na din ang DSWD provincial office ng 1,000 food boxes para sa mga evacuees.

Ayon kay Tulfo mayroon pang parating na 10,000 food packs mula sa DSWD Regional Warehouse sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Mula Bangued ay nagtungo naman si Tulfo sa Vigan.

Bukas ay nakatakda namang magtungo si Tulfo sa Ilocos Norte. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *