Pagdedeklara ng suspensyon at klase at pasok sa trabaho sa DepEd offices, ipinaubaya DepEd sa mga LGU

Pagdedeklara ng suspensyon at klase at pasok sa trabaho sa DepEd offices, ipinaubaya DepEd sa mga LGU

Ipinaubaya ng Department of Education (DepEd) sa mga lokal na pamahalaan ang pagpapasya sa pagsuspinde ng klase at pasok sa trabaho sa mga paaralan na naapektuhan ng lindol.

Sa inilabas na pahayag sinabi ng DepEd na sa ngayon suspendido na ang mpasok sa mga DepEd offices at paaralan na labis na naapektuhan ng lindol base sa deklarasyon ng mga lokal na pamahalaan.

Ang patuloy na suspensyon nito ayon sa DepEd ay nasa diskresyon na mga local chief executives bilang chairperson ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC).

Iniutos na ni Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte ang pag-activate sa kanilang Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) teams para i-monitor at rumesponde sa sitwasyon kabilang ang pagbibigay ng Psychological First Aid sa mga naapektuhang DepEd personnel at learners. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *