Pangulong Marcos bibisita sa mga lugar na nasalanta ng lindol
Nakatakdang magtungo sa mga lugar na naapektuhan ng malakas na lindol si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Gayunman, ayon sa pangulo ito niya ito agarang gagawin dahil maaring makaabala pa sa operasyon ng lokal na pamahalaan.
Maari aniyang bukas na lamang araw ng Huwebes (July 27) siya magtungo sa mga apektadong lugar.
Ngayong araw kasi aniya ay abala ang mga lokal na opisyal.
“Pupunta ako dun, maghahanap pa ako ng mga pulis para mag-secure, kailangan akong i-meet ng mga local officials, marami silang ginagawa,” ani Marcos.
Sinabi ni Marcos na patuloy siyang nakikipag-ugnayan sa bawat departmento para sa mga ulat tungkol sa naging pinsalang hatid ng lindol at sitwasyon ng ginagawang relief operations. (DDC)