“Ghosting” ipinadedeklarang emotional offense ng isang kongresista

“Ghosting” ipinadedeklarang emotional offense ng isang kongresista

Nakaranas ka na ba ng “ghosting?”

Sagot diyan ang inihaing panukalang batas ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves, Jr. na layong ideklara ang “ghosting” bilang “emotional offense.”

Sa panukala ni Teves, inilarawan ang “ghosting” bilang pagtigil ng komunikasyon sa mga kabigan, partners at mga kahalintulad nang walang karampatang closure.

Ipinaliwanag ng mambabatas sa kanyang House Bill No. 611 na ang ghosting ay maihahalintulad sa uri ng “emotional cruelty” na dapat may kaakibat na kaparusahan dahil nagdudulot ito ng trauma sa “ghosted” person.

Si Teves Jr. ang isa sa mga nagsampa ng panukalang batas na naglalayong palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport patungo sa Ferdinand E. Marcos Sr. International Airport.

Katwiran niya, “more appropriate” o mas naayon kung ipangalan ang paliparan sa taong nag-ambag para isakatuparan ang proyekto. (Ricky A. Brozas)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *