Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.5 na lindol
Tumama ang magnitude 4.5 na lindol sa lalawigan ng Davao Occidental.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 294 kilometers southeast ng Balut Island, 12:19 ng tanghali ng Martes, July 26.
May lalim na 32 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng aftershocks. (DDC)