Resolusyon para mapalaya si dating Sen. Leila de Lima inihain sa senado
Naghain ng resolusyon sa senado sina Senate Minority Leader Koko Pimentel III at Senator Risa Hontiveros na layong mapalaya sa bilangguan si dating Senador Leila de Lima.
Sa inihaing resolusyon, hiniling din ng dalawang senador sa Department of Justice (DOJ) na bawiin na ang natitirang kaso laban kay De Lima.
Inilahad sa nasabing resolusyon ang pagbawi ng mga testigo sa kanilang testimonya laban sa dating senador.
Kabilang sa mga nagbawi ng kanilang testimonya laban kay De Lima ay sina Kerwin Espinosa, Rafael Ragos at Ronnie Daya.
Sinabi ni Hontiveros na dapat ikonsidera ng DOJ ang pagbawi ng mga testigo sa mga nauna nilang paratang kay De Lima at i-withdraw na ang mga inihaing reklamo laban sa senadora. (DDC)