Kontrobersyal na Vape Bill nag-lapse into law
Naging isang ganap nang batas ang kontrobersiyal na “Vape Bill”.
Nag-lapse into law ang Vape Bill kahapon, July 25 matapos hindi maaksyunan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa ilalim ng nasabing panukala, naglalatag ng regulasyon sa pag-import, paggawa, pagbenta, packaging, distribution, at paggamit ng vaporized o vape and non-nicotine products.
Sa ilalim pa lamang ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay hayag na ang panawagan ng Department of Health (DOH) na i-veto ang panukala.
Ito ay dahil sa nasabing batas, ibinababa sa 18 anyos mula sa 21 anyos ang edad ng mga papayagang magkaroon ng access sa vapor products. (DDC)