Maitatalang bagong kaso ng COVID-19 aabot sa 19,000 sa Aug. 31 kung magpapatuloy ang mababang turnout ng pagbabakuna

Maitatalang bagong kaso ng COVID-19 aabot sa 19,000 sa Aug. 31 kung magpapatuloy ang mababang turnout ng pagbabakuna

Maaring umabot sa mahigit 19,000 ang maitatalang bagong kaso ng COVID-19 pagsapit ng August 31.

Ayon sa Department of Health (DOH) ito ay kung mananatiling mababa ang vaccination turnout at bababa din ang compliance sa minumium public health standards.

Kung bubuti naman ang turnout sa vaccination kabilang na ang booster shot, ay maaring aabot lang sa 6,000 hanggang 8,000 ang maitatalang daily cases ng COVID-19.

Ayon sa inilabas na pahayag ng DOH, naka-sentro na ngayon ang pamahalaan sa admission at hospital utilization rates sa pagdetermina ng ipatutupad na Alert Level.

Sinabi ng DOH na kahit tumataas ang kaso ng COVID-19 ay hindi kailangang magtaas ng Alert Level dahil mababa naman ang bilang ng mga naoospital. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *