Healthcare utilization rates sa NCR at iba pang lugar sa bansa, tumaas
Tumaas ang Healthcare utilization rates (HCUR) sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.
Ayon sa datos ng OCTA Research mula sa 30.7 percent noong July 17 at tumaas sa 31.7% ang HCUR sa NCR noong July 24.
Ang ICU occupancy naman ay tumaas din mula sa 24% patungo sa 27.3%.
Kapwa lagpas naman sa 50 percent ang HCUR sa Bohol (57.7 percent) at Iloilo (52.4 percent).
Habang malaki ang ibinaba ng HCUR sa Olongapo mula sa 66.1 percnet, ngayon ay 27.1 percent na lang. (DDC)