50 milllion National ID maipamamahagi sa katapusan ng taong 2022
Iniutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mabili na pamamahagi ng National ID.
Sa kaniyang unang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Marcos na sa pagtatapos ng kasalukuyang taon, inaasahang makapag-iisyu na ng 30-million physical IDs at 20-million digital IDs.
Target aniya ng administrasyon na makapag-isyu ng 92 million ODs sa kalagitnaan ng taong 2023.
Sinabi ni Marcos na makatutulong ang national ID para mapabilis ang mga transaksyon ng publiko sa mga ahensya ng gobyerno.
Samantala inatasan ni Marcos ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na gawin nang digitize at ayusin ang database ng gobyerno.
Kailangan aniyang bawat datos ng mga ahensya at kagawaran ay madaling maibahagi sa isa’t isa. (DDC)