PBBM iniutos na pag-aralan ang ginagamit na medium of instructions sa mga paaralan
Nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pag-aralan ang ginagamit na medium of instructions sa mga paaralan.
Sa kaniyang unang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Marcos na nais niyang mapanatili ang bentahe ng mga Pinoy bilang “English speaking people”.
Mas pinapaburan aniya ng mga dayuhang employer ang mga Pinoy dahil sa galing nila sa pagsasalita ng Ingles.
Maliban dito, ang lenggwahe aniya na ginagamit sa Internet ay English.
At dahil ang Internet ay itinuturing na ring gobal marketplace para sa mga goods at services, malaking bagay kung marunong magsalita at makaunawa ng Ingles. (DDC)