Pangulong Marcos: Wala na tayong gagawing lockdown
Hindi na magpapatupad ng lockdown sa bansa sa kabila ng muilng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sa kaniyang unang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na dapat ibalanse ang maayos na kalusugan at kapakanan ng publiko at ang pagkakaroon ng maayos na ekonomiya.
Bagaman nananatili aniya ang pandemya at ang virus ng COVID-19, sinabi ni Marcos na hindi na seryoso ang banta nito sa buhay,
Iaayon din aniya ang health protocols sa kung ano ang pangangailangan sa paglipas ng panahon.
Sa ngayon sinabi ni Marcos na pinag-aaralan na ang ibang pamamaraan ng klasipikasyon para mas bumagay sa kasalukuyang sitwasyon. (DDC)