Naitalang kaso ng dengue sa bansa mula noong Enero umabot na sa mahigit 73,000
Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng mahigit 73,000 na kaso ng dengue sa bansa simula noong buwan ng Enero.
Ayon kay DOH officer-in-charge Usec. Maria Rosario Vergeire, simula noong January 1 ay nakapagtala na ng 73,909 dengue cases.
Sa nakalipas na halos isang buwan o muna June 12 hanggang July 9 ay nakapagtala ng 18,699 na bagong kaso ng sakit.
Tatlong rehiyon sa bansa ang nakapagtala ng may pinakamataas na kaso ng dengue kabilang ang Region III, Region II at Metro Manila.
Ayon sa DOH, inabisuhan na ang mga lokal na pamahalaan para magsagawa ng 4S strategy. (DDC)