LPA magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas
Isang Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa.
Huling namataan ng PAGASA ang LPA sa layong 455 km East Northeast of Surigao City, Surigao del Norte o 390 km East ng Borongan City, Eastern Samar.
Sa weather forceast ng PAGASA ngayong araw ng Lunes, July 25 ang LPA ay magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Eastern at Central Visayas, Caraga, Bicol Region at Negros Occidental.
Sa Metro Manila naman at sa nalalabi pang bahagi ng bansa, bahagyang maulap na papawirin lang ang iiral dahil sa localized thunderstorms.
Paalala ng PAGASA maaring magdulot ng flash floods at landslides ang mararanasang malakas na buhos ng ulan. (DDC)