Scientific solution kailangan para malutas ang problema sa dengue

Scientific solution kailangan para malutas ang problema sa dengue

Scientific solution ang kailangan para malutas ang problema sa dengue.

Ito ang nakasaad sa joint advisory ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng Department of Health (DOH).

Ayon sa tatlong ahensya, ang pangunahing solusyon laban sa dengue ay ang pag-kontrol ng vector na pinagmumulan ng dengue.

Kabilang sa pamamaraan ang pagsira sa mga lugar na pinangingitlugan ng mga lamok.

Ayon sa tatlong ahensya hindi kabilang sa scientific solution ang pagpapakawala ng mga palaka at isda.

Maaari pa umano itong magdulot ng panganib sa kalusugan ng tao at maari ding makasira sa ecological balance.

Paalala ng DOH sa publiko, sundin ang pamamaraang “search and destroy” at proteksyonan ang sarili laban sa kagat ng lamok. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *