Publiko pinaalalahanang sumunod sa health protocols vs COVID-19 para makaiwas din sa monkeypox
Inabisuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na sundin lamang ang mga pinaiiral na health protocols kontra COVID-19 para makaiwas din sa monkeypox.
Ang abiso at makaraaan ang deklarasyon ng World Health Organization (WHO) ang Monkeypox bilang isa pang “public health emergency of international concern”.
Ayon sa DOH, kabilang sa sintomas ng monkeypox ay ang lagnat na 1 hanggang 3 araw bago lumabas ang rashes.
Mas mabagal ang pagkalat ng rashes sa monkeypox kumpara sa tigdas at bulutong.
Ayon sa DOH, makatutulong para maiwasan ang pagkalat ng monkeypox kung magsusuot ng face mask, tiyakin ang pagkakaroon ng maayos na airflow, panatilihing malinis ang kamay at sumunod sa physical distancing.
Ayon sa DOH, kamakailan ay nai-optimize na ng DOH-Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang Realtime PCR assay nito para sa pag-detect ng monkeypox .
Ang mga surveillance system ng DOH ay aktibo na ring sinusubaybayan ang sitwasyon. (DDC)