U.S. Pres. Joe Biden bumubuti na ang kondisyon
Unti-unti nang bumubuti ang kondisyon ni U.S. Pres. Joe Biden makaraang magpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Kevin O’Connor, mayroon pa ring sintomas ng COVID-19 si Biden gaya ng sore throat, runny nose, loose cough, at body aches.
Nananatili naman aniyang clear ang baga ng presidente.
Noong Huwebes nagpositibo sa COVID-19 si Biden.
Ayon kay O’Connor, maaaring BA.5 subvariant ng Omicron ang tumama sa presidente.
Magpapatuloy aniya ang pagbibigay nila ng Paxlovid kay Biden. (DDC)