Monkeypox itinuring nang global health emergency ng WHO
Idineklara na ng World Health Organization (WHO) ang monkeypox bilan public health emergency of international concern.
Ito ang napagpasyahan matapos ang pulong ng mga eksperto mula sa WHO.
Ayon sa WHO, maituturing nang banta sa global health ang monkeypox kaya kailangan na ng coordinated na international response para maawat ang pagkalat nito.
Wala namang inilabas na rekomendasyon ang WHO para sa mga national government.
Pero nanawagan ito ng agarang aksyon sa bawat pamahalaan.
Inaasahan din ng WHO ang mga member states na i-report ang mga mararanasang kaso ng monkeypox na posibleng maging banta sa global health. (DDC)